Hindi pa rin ganap na naaalis ang suspensyon ng mga Base Commanders na pinatawan ng nasabing penalty ng Moro Islamic Liberation Front Central Committee.

Sa panayam kay MILF Chairman at United Bangsamoro Justice Party President Ahod Balawag Ebrahim, bagamat may mga suspendidong base commanders na nagparamdam at muling nagpakita sa kanya kagaya ni Commander Bravo, nanatili naman ang paninindigan nito sa pamamagitan ng suspensyon ang mga kumander bilang penalty sa mga samut-saring violations.

Bumuo na rin aniya ng investigating team o grupo na magiimbestiga sa mga suspendidong Base Commander ang MILF at nangako naman si Ebrahim na walang magaganap na whitewash sa imbestigasyon sa oras na gumulong na ito.