Sugatan ang isang rider na lalaki ng masangkot ito sa isang salpukan sa pagitan niya at ng isang SUV kagabi sa National Highway, Barangay Gang sa Sultan Kudarat Town sa Maguindanao del Norte.

Sa ulat ng pulisya kinilala ang mga sangkot sa aksidente na sina Bhen Nasser y Kamonte na nagmamaneho ng NMAX na kulay violet at may plakang 495NGM at si Akmad Manalasal y Dimasangkay na syang nagmamaneho ng Toyota SUV na may plakang LAK 9801 at pawang mga residente ng bayan.

Sa naging imbestigasyon, galing umano si Nasser pa norte at patungo sa siyudad ng Cotabato habanh si Manalasal naman ay galing sa pamamahay nito at patungo na ng highway.

Mabilis aniya ang patakbo ni Nasser ng kanyang motor kung kayat pagdating sa lugar ay bigla na lamang nitong nasalpok ang SUV. Sugatan ngayon si Nasser dahil sa sobrang lakas ng impact ng kanyang pagkakabangga at agad naman itong naisugod sa pagamutan. Ligtas naman ang sakay maging ang tsuper ng SUV.