Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagtatapos ng Northeast Monsoon o Amihan, na hudyat ng pagsisimula ng tag-init sa malaking bahagi ng bansa.


Ayon sa PAGASA, mararanasan ang mas mainit at maalinsangang panahon sa mga susunod na araw.


Ngunit kahit opisyal nang tapos ang Amihan, posible pa ring magkaroon ng biglaang pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat dahil sa localized thunderstorms.


Dahil sa inaasahang matinding init, pinapayuhan ang publiko na uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration, at magtipid sa paggamit ng tubig upang mapanatili ang sapat na suplay sa panahon ng tag-init.


Bukod dito, pinaaalalahanan din ang lahat na iwasan ang matagalang pagkabilad sa araw upang maiwasan ang heatstroke at iba pang sakit na dulot ng init.

Stay hydrated para laging fresh at energized mga Kastarnation!