Maswerteng walang sugatan sa nangyaring panghahagis at pagsabog ng hand grenade sa pamamahay ng isang Punong Barangay na si Norodin Ampatuan sa Labu-Labu Mother, Shariff Aguak, sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur nitong Huwebes. October 17, 2024

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, namataan ang riding-in-tandem suspects na naghagis ng dalawang uri ng pampasabog sa pamamahay ng Kapitan ngunit isa lamang dito ang sumabog at nakapinsala sa Toyota Hilux na pagmamay-ari rin ng Kapitan.

Sa ngayon, patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang mga hindi pa nakilalang suspek.