Kasado na sa 2025 elections ang tambalang Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Mangudadatu at Vice Governor Hadji Raden Sakaluran matapos na nagsumite na ang dalawa ng kanilang kandidatura sa opisina ng COMELEC sa probinsya.
Hangad umano ni Mangudadatu na maipagpatuloy ang kanyang adbokasiya para sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan ng Sultan Kudarat. Kapwa nasa unang termino ang nasabing tambalan na sina Mangudadatu at Sakaluran.