Kulungan ang hantong ng isang lolo na magsasaka matapos itong maaresto sa isinagawang buy-bust ng mga kasapi ng Police Station 3.

Sa ulat ng kapulisan, kinilala ang nahuling suspek na si alyas Abaps na residente ng MB Tamontaka sa lungsod ng Cotabato.

Positibo nito kasing napagbentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa isinagawang operasyon sa Purok Bawin sa Kalanganan 2.

Nakuha mula sa suspek ang tatlong maliliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at nakapiit ngayon sa Jail Facility ng presinto ang suspek upang harapin ang mga kaukulang kaso.