Tatlong baryo sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang idineklara nang drug cleared ng oversight committee sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM at ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat.

Naideklara ang Barangay Dados, Tambak at Kakar bilang drug cleared barangays dahil sa masinsin nitong paglilinis ng kanilang nasasakupan kontra iligal na droga.

Bilang tanda ng nasabing pagtatagumpay ng tatlong barangay sa krusada kontra iligal na droga, nilagdaan mismo ni DOS Mayor Lester Sinsuat ang sertipiko ng tatlong nabanggit at ipinresenta ito sa mga kapitan ng nasabing barangay sa kanyang opisina sa DOS Municipal Hall.

Saksi naman sa nasabing seremonias ang mga tauhan ng PDEA BARMM maging ng kapulisan.