Posibleng umabot aniya ang gastos sa 3 bilyong piso kung matutuloy ang nakatakdang pagpapaliban ng First Bangsamoro Parliamentary Elections.

Ito ang sagot ni Comelec Chairman Atty. George Garcia sa tanong ni Senador Sherwin Gatchalian sa hearing Committee on Local Government ukol sa nasabing resetting ng halalan.

Aniya kung ililipat sa taong 2026 ang halalan, mangangailangan sila ng pondong aabot sa isang bilyong piso kung mano mano gagawin ang botohan habang aabot naman sa 3 bilyong piso kung ito ay automated o demakina.

Gaganapin ang halalang Bangsamoro sa darating na Mayo 12, 2025 ngunit may mga mambabatas na sa nasyonal na lebel ang gusto itong ipatigil at ipatuloy sa 2026.