Tatlong kabahayan ang natusta sa naganap na sunog sa dako ng Purok Martinez sa barangay Poblacion 4, Cotabato City.
Naganap ang sunog kahapon, alas dos ng madaling araw. Aabot naman sa P500.00-K ang danyos ng naturang sunog sa tala ng BFP Cotabato.
Posibleng electrical related ang dahilan ng sunog dahil sa naiwanang nakasaksak na charger o electric fan. Mapalad na lamang na walang nasaktan o nasawi sa naturang sunog.