Pormal na isinuko kahapon, Setyembre 30 ng mga residente ng Barangay Rosary Heights 5 sa lungsod ang 3 na matataas na uri ng kalibre ng armas sa MBLT-5 ng Philippine Marines.

Isinagawa ang pagsuko kahapon na siyang bisperas ng pagsusumite ng mga Certificate of Candidacies o COC.

Pinangunahan ng kapitan ng barangay na si Fidel Dino Maglalang Espino at ni 1LT Kenneth Cabucay PN(M) Company Commander 35MC, MBLT5 ng Philippine Marines ang seremonyas ng pagsuko sa mga armas. Kinabibilangan ng mga ito ay ang M16 rifle, 38 Caliber Revolver at Caliber 45 pistol.

Ang mga kaganapan ng pagsuko ay bilang pagtalima sa panawagan ng militar at mismong si Vice Mayor Johari Butch Abu na suportahan ng bawat mamamayan ang kampanya kontra loose firearms na siya namang nauna nang tinalima ng mga residente ng ibang mga barangay na kaalyado ng SIAP Party.