Nagtagumpay ang isang mahalagang hakbang tungo sa pangmatagalang kapayapaan matapos magkasundo at tuluyang magkaayos ang tatlong kilalang pamilya ang Ato Kdatatu, Kusain Salod, at Guianaid Kadir sa ginanap na settlement sa Provincial Governor’s Office noong Marso 4, 2026.

Photo from Governor Datu Tucao O. Mastura, CPA

Isinagawa ang pag-aayos sa pangunguna ni Datu Tucao O. Mastura, Gobernador ng Maguindanao del Norte, kasama sina Datu Shameem Mastura, alkalde ng Sultan Kudarat, at Bai Norhaina Mastura Maik, bise alkalde ng nasabing bayan, na nagsilbing tagapagpadaloy ng dayalogo sa pagitan ng mga pamilya.

Photo from Governor Datu Tucao O. Mastura, CPA

Nasaksihan din ng mga lokal na opisyal at ni Lt. Col. Esmael Madin, hepe ng pulisya sa lugar, ang pormal na paglagda sa kasunduan na naglalayong wakasan ang hidwaan ng mga panig.

Ayon sa mga opisyal, ang naturang kasunduan ay patunay na ang bukas na pag-uusap at pagkakaisa ang susi upang tuluyang matapos ang alitan at maitaguyod ang kapayapaan sa komunidad.