Huli ang tatlong tulak ng iligal na droga habang apat naman ang nakatakas sa isinagawang drug buy bust operations sa Parang, Maguindanao Norte.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Kagi Samsodin o kilala sa tawag na Otiyak Narao na nakatira sa nasabing bayan habang ang dalawa ay sina alyas Akmad at Moham na pawang na taga bayan ng Barira.

Nakatakas naman ang apat na kinilala sa mga alyas na sina Samer, Saide, Moctar at Baisa.

Sa panayam kay Parang MPS Police Chief Lt. Col. Erwin Tabora na target ng operasyon si Kagi Samsodin kung saan nakuha sa kanila ang labing isang pakete ng hinihinalang shabu na may halagang 30,000 at mga parapernalya.

Napagalaman na nagooperasyon sa kalapit na mga bayan ang mga suspek.

Kulong na ang tatlo at sasampahan ng kaso habang hinahanap pa ang apat na nakatakas.