Hulog sa patibong ng PDEA-BARMM partikular na ang PDEA-Basilan Provincial Office katuwang ang kapulisan ng probinsya at ng Lamitan City PNP ang tatlong drug peddlers matapos nito na kasahan ang joint buy-bust operations ng mga ito ss bahagi ng Barangay Malo-ong Canal sa siyudad ng Lamitan sa Basilan.
Kinilala ng Lamitan PNP ang unang nahulog sa patibong na suspek na si alyas Dutdot, 28 na residente sa nasabung barangay habang naaresto naman sa isinagawang follow-up sina alyas Manman, 23 at alyas Kilik, 40.
Nasamsam naman sa mga ito ang aabot sa walong piraso ng heat sealed sachet ng shabu na may tinatayang aabot sa 6 na gramo ang bigat at tinatayang halaga na 40,800, ang bust money, ilang drug related paraphernalias at isang ID.
Dahil dito, himas rehas na ang tatlo at kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.