Ipinakilala na ang linyada na bubuo sa Team Agila ng Maguindanao Del Sur para sa darating na 2025 Midterm Elections.
Sa naging ganap kaninang hapon, ipinakilala na ni Team Agila Standard Bearer at Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang bumubuo ng Nacionalista Party- Team Agila slate para sa 2025 Elections sa bawat bayan at maging sa kapitolyo ng probinsya.
Nagpasalamat din ang lady governor sa naging suporta ng mga lokal na lider sa Team Agila para sa pagpapatuloy ng pagunlad at pagasenso ng probinsya.
Lima (5) sa kada distrito ang ibobotong Board Member, ngayon ay magiging sampu pati ang apat na EX officio members tulad ng PCL, SK, IP at Liga ng mga Barangay.
Ipinaliwanag naman ni Mangudadatu ang dahilan kung bakit ito susubok muli at ito ay para naman sa pagpapatuloy ng natamong kaunlaran at pagseserbisyo sa probinsya.
Dito na rin pinakilala ni Mangudadatu ang mga bagong miyembro na bubuo ng alyansang Nacionalista Party- Team Agila sa probinsya at sa mga bayan-bayan.
Inaasahan naman ni Mangudadatu na magdudulot ito ng malakihang suporta para sa lalawigan at sa mga bayan ng probinsya.