Walang habag na pinatay sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo nito ang isang teduray leader nitong Setyembre 30, martes sa Barangay Limpongo, Datu Hofer sa Maguindanao Sur.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ramon Lupos na hinarang umano ng grupo na armado habang nagaani ng saging sa kanyang sakahan.
Ayon sa mga katribong nakasaksi, pinaghahahampas muna si Lupos ng mga kahoy at ng mawalan ng malay tao, dito na ito pinugutan ng mga ito.
Mabilis naman na tumakas sa pinangyarihan ng krimen ang mga suspek.
Base sa kumpirmasyon ng PRO BAR at ng Maguindanao Sur Provincial Police, si Lupos na ang ika 86th na teduray leader at kinatawang napaslang sa nakalipas na anim na taon sa kanilang ancestral lands.
Mula 2022, lima pang Teduray Leaders ang pinaslang sa Datu Hoffer dahil sa serye ng walang humpay na atake laban sa tribo.