Nagdeklara na ng pagkandidato bilang gobernador ng lalawigan ng Maguindanao Del Norte si Al- Ittihad UKB President at former TESDA Director General Teng Mangudadatu sa halalan sa susunod na taon.

Ito ay batay sa anunsyo ng kanyang misis na si Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Mangudadatu sa presscon nito sa lungsod ng General Santos.

Hindi pa pinapangalanan sa mga oras na ito ang magiging partner nito bilang bise gobernador ng lalawigan kasama na din ang linya ng kanyang mga Bokal o Board Members.

Aniya, wait and see o abangan pa lamang daw ang detalye ng kanyang line up. Matatandaan na lumipat ng kanyang rehistro sa pagboto ang dating TESDA secretary mula sa bayan ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao del Sur patungo sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.