Pagtakbo sa halalan sa susunod na taon sa rehiyon ang naging dahilan ng pagbibitiw sa pwesto bilang Technical and Educational Skills Development Authority (TESDA) Director General ni Sec. Suharto “Teng” Mangudadatu.
Sa naging opisyal na pahayag nito, na ang kanyang pamilya ay katuwang ng Pangulong Bongbong Marcos sa pagkamit ng kapayapaan, pagkakaisa at pagunlad ng rehiyon ng Mindanao.
Ayon pa kay Mangudadatu, totoo ang napalabas na balita na nagbitiw ito upang lumahok sa halalan sa susunod na taon.
Ayon pa sa kanya, patuloy pa rin syang tutulong sa abot ng kanyang makakaya sa administrasyong Marcos.
Sa huli, nagpasalamat si Mangudadatu sa publiko na nagtiwala sa kanyang pamumuno at pagiging kalihim ng TESDA sa maikling panahon.