Masayang masaya ngayon si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa pagkakaroon ng realisasyon ng kanyang matagal na pinapangarap sa lungaod na magkaroon ng pabahay na para sa lahat.
Nagsagawa ng pagpapasinaya sa tinaguriang BBM Village sa Tamontaka Mother nitong lungsod kahapon. Napili ang Tamontaka Mother na mapagtatayuan ng naturang condominium type na pabahay na kauna-unahan sa siyudad kung kaya’t magiging maswerte ang magiging benepisyaryo nito.
Dagdag pa ng alkalde ng siyudad na bumuhos ang programang pabahay sa lungsod mula sa Pamahalaang Bangsamoro na kinabibilangan ng 50 units mula.
Sa MHSD BARMM, 300 mula sa Kapyanan Program at naidagdag pa ang naturang condo-type housing na para sa mga urban poor, contractual and permanent employees ng City Hall maging sa mga katutubo o kapatid nating IP’s.
Ayon sa alkalde na kasama sa prayoridad ng pabahay na ito ay ang mga piling trabahante ng LGU dahil di naman na maitatangging wala pa rin silang sariling bahay dahil sa salat na kinikita, maliban pa sa iba’t ibang mga rason.
Ang proyekto na ito ay tinaguriang BBM Village na may temang Bagong Bayan ng Mamamayan para sa Bayan mula sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program.