Nasawi ang isang lalaking naglalako ng isda matapos pagbabarilin sa New Public Market sa bayan ng Buluan, Maguindanao del Sur nitong Sabado ng umaga, Marso 15.

Kinilala ang biktima bilang si Hansor Guiapal, na mas kilala sa palayaw na ‘Dodong,’ at naninirahan sa nasabing lugar. Ayon sa inisyal na impormasyon, nangyari ang insidente habang abala si Guiapal sa pagbebenta ng isda sa kanyang puwesto sa palengke.

Sa ngayon, nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang salarin at ang posibleng dahilan sa likod ng pamamaril.