Matagumpay na naisilbi ang arrest warrant at napasakamay na ng mga otoridad ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte dahil sa kasong pagpatay.

Kinilala ang suspetsado na si Reydan Uga y Lisdan, isang magsasaka na residente ng Labungan sa nasabing bayan at nadakip ito sa Sitio Tenorio sa Barangay Awang.

Sa mga tala, naging Top 1 MWP at Top 2 sa provincial level si Uga dahil sa mga insidente ng pamamaril patay sa lugar. Nakakulong na ngayon sa lock up cell ng pulisya ang nasabing suspek.