Arestado ng kapulisan ang tinagurian na TOP 10 most wanted na personahe sa lalawigan ng Maguindanao del Norte kamakalawa ng gabi sa Sitio Sabaken, Barangay Bungcog, Upi sa nasabing lalawigan.

Ang naarestong most wanted ay may outstanding warrant sa paglabag ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act na may piansang aabot sa P170,000.00. Dinala sa CIDG Maguindanao ang suspek para sa naaayong aksyon at disposisyon.