Nasakote ng magkakatuwang na alagad ng pulisya sa pangunguna ng Buldon PNP ang isa sa TOP 10 Most Wanted Person sa probinsyal na lebel sa Sitio Kitub, Barangay Rumidas sa bayan ng Buldon, Maguindanao Del Norte kamakalawa.
Kinilala ang nahuli sa bisa ng mandamiento de aresto ang suspek na si alyas Datu Umpie, 30 at may asawa.
May kaso ito na may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang itinatakda na piansa.
Nasa kustodiya na ng Buldon PNP ang nasabing suspek at ibabalik sa korte na nagissue ang warrant of arrest ng nasabing pusakal.