Naaresto ang isang Top-10 Most Wanted Regional Person sa operasyon ng 34th Infantry Battalion katuwang ang Aleosan Police sa Brgy. Pagangan, Aleosan, Cotabato noong Abril 24.

Kinilala ang suspek na si Guenaid Malidas, residente ng nasabing barangay.

Nahuli siya sa bisa ng warrant of arrest at nakumpiska mula sa kanya ang isang caliber .45 na baril, magazine, mga bala, holster, at sling bag.

Ayon sa 6th Infantry Division, tagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng militar at pulisya para sa pagpapanatili ng kaayusan sa rehiyon.