Namayagpag na naman muli sa talaan ng mga nangunguna ang isang kabataang Cotabateño matapos na maitalang TOP 10 si Renz Dinglasan dela Cruz sa katatapos lamang na Criminologist Licensure Exams na isinagawa noong July 31 at Agosto 1 hanggang 2.

Si Dela Cruz ay nakatapos ng kursong kriminolihiya sa Coland Systems Technology Inc. sa lungsod. Si Dela Cruz ay nakakuha ng rating na 90.80%. Samantala nagpaabot naman ng pagbati ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Bruce Matabalao dahil sa nakamit nitong karangalan na bumuhat sa galing ng kabataang Cotabateño.