Napasakamay na ng mga operatiba ng Matanog PNP ang dalawang suspek na may ranggong TOP 4 Most Wanted Persons sa probinsyal na lebel matapos na masakote ang mga ito sa isang checkpoint operation sa Barangay Bugasan Sur ng nasabing bayan.

Sinasabing pinara umano ng mga kapulisan na nagmamando ng checkpoint ang isang motor na may plakang 7723 KU na sakay ang mga suspek.

Nang maberipika na sila ang naturang mga pusakal na hinahanap ng batas, tatakas sana ang dalawa ngunit nahuli rin ng mga autoridad ang mga ito.

Ang dalawa ay may standing warrant of arrest sa salang pagpatay o Murder at walang piansang inirekomenda noon pang Oktubre 2023 ng RTC 12 Branch 27.

Ang mga suspek naman ay nasa listahan ng Top 3 Most Wanted sa munisipal na lebel.

Himas rehas na ang dalawang pusakal sa Matanog PNP at nakatakda nang ipagharap nito ang mga kaso na kanilang kinasasangkutan.