Tiklo sa isinagawang Manhunt operations ng kapulisan ang TOP 4 most wanted sa Bayan ng Panglima Sugala matapos itong mahuli sa Barangay Simandagit sa bayan ng Bongao sa lalawigan ng Tawi Tawi nito lamang nakaraang linggo.

Tinawag bilang OPLAN PAGTUGIS, magkasanib na hinuli ng mga tracker teams ng CIDG BASULTA PFU, Panglima Sugala at Bongao MPS, Tawi Tawi PIT, RIU 9 at iba pa na operatiba si alyas EPPANG na may standing arrest warrant para sa kasong Homicide na may piansang 40,000.00 noon pang 2014.

Nasa kustodiya na ng CIDG PFU Tawi Tawi ang suspek para sa dokumentasyon at pagbabalik ng mandamiento de aresto nito sa issuing court.