Natimbog ng mga operatiba ang suspek na Top 5 Municipal Most Wanted Person sa President Quirino, Sultan Kudarat noong Nobyembre Uno, Todos Los Santos.
Isinilbi ng tracker team ng Upi MPS katuwang ang mga iba pang pwersa ang isang warrant of arrest laban sa isang 59 anyos na lalaki na isang karpintero, nakatira sa Prk. Sampaguita, sa Barangay Poblacion ng nasabing bayan at hindi na pumalag pa sa mga humuli rito.
May inirekomendang pyansa na aabot sa 14,800.00 ang naturang kaso.
Nasa kustodiya na ng Upi MPS ang suspek para sa tamang disposisyon at legal na mga hakbang para rito.