Arestado ang isang lalaking kabilang sa Top 7 Most Wanted Person (Regional Level) sa matagumpay na operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa Purok 4, Barangay Pentil, Aleosan, Cotabato, pasado alas-3 ng hapon kahapon.
Kinilala ang suspek bilang si alias “Mel,” 25 anyos, binata, isang magsasaka at residente ng naturang lugar.
Isinagawa ang operasyon laban sa kanya bunsod ng nakabinbing kaso nitong apat na bilang ng Qualified Rape of a Minor at isang kaso ng Sexual Assault. May nakatakdang kasong kriminal na may mga numero 25-066, 25-067, 25-068, at 25-069.
Ang warrant of arrest ay inilabas ni Hon. Christina Jovero, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 24 sa Midsayap, Cotabato noong Marso 19, 2025, na walang inirekomendang piyansa para sa akusado.
Ang operasyon ay naisakatuparan sa tulong ng Midsayap MPS, katuwang ang CPPO-PIU, sa pakikipag-ugnayan sa Aleosan MPS.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at haharap sa mga kasong isinampa laban sa kanya.