Inaresto ng Police Station 3 ang mag-asawang sina Nao at Raida Bagundang sa Mother Barangay Poblacion, Cotabato City dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse.

Ayon kay PS3 Commander PMaj. Albert Carillo, may bisa ang warrant of arrest mula RTC Branch 14 na inilabas noong Pebrero 21, 2025.

May ₱200,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng dalawa.

Sa ngayon, nasa kustodiya na sila ng pulisya at ihaharap sa korte.