Tila natakot sa sunod-sunod na operasyon ng kapulisan laban sa mga most wanted sa BARMM kung kaya’t sumukong buluntaryo sa kapulisan ng Datu Paglas Municipal Police Station ang isang top 8 most wanted sa Police Regional Office-BAR nitong lunes, Setyembre 22.
Kinilala ni mismong PRO-BAR Director PBGen. Jaysen De Guzan ang suspek sa alyas na Sheik na nasa listahan din bilang TOP 4 most wanted ng Maguindanao Sur.
Si alyas Sheik ay mayroong standing warrant of arrest para sa kasong qualified direct assault with attempted murder.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng PRO-BAR ang suspek para sa legal na disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso sa hukuman.