Kulong ang tinaguriang TOP 9 most wanted ng PRO-12 na nahaharap sa kasong 4 na bilang ng attempted murder sa Midpandcan sa bayan ng Gen. Salipada K. Pendatun sa Maguindanao Sur.

Nadakip ito sa tinaguriang Oplan Pagtugis ng CIDG BAR at sa bisa na rin ng arrest warrant sa kaso nito.

Matapos ang operasyon, agad namang dinala ang suspek sa CIDG Cotabato City Field Unit para sa kaukulang disposisyon at pagdodokumento.