Arestado ang isang Top Most Wanted Person sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte matapos maglunsad ng operasyon ang Sultan Mastura Municipal Police Station sa Barangay Tapayan bandang alas-5:45 ng hapon noong Nobyembre 30, 2025.
Ang suspek, na nasa listahan bilang Top 4 Most Wanted Person sa municipal level at Top 5 Most Wanted Person sa provincial level, ay nadakip sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng SM MPS ang naarestong indibidwal para sa karagdagang proseso at dokumentasyon. Inihahanda na rin ang Return of Warrant para isumite sa korte na naglabas ng utos, upang mailabas ang commitment order.
Pinuri ni PBGEN Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng PRO BAR, ang mabilis, koordinado, at legal na aksyon ng mga tauhan ng Sultan Mastura MPS na nagresulta sa matagumpay na pag-aresto sa isang high-value fugitive.
Binigyang-diin ng opisyal na ang accomplishment na ito ay patunay ng walang humpay na pagtatrabaho ng PRO BAR police force para tugisin ang mga wanted personalities at tiyakin ang pagpapatupad ng batas sa rehiyon.

















