Umamin sa naging pagdinig ng senado sa lungsod ng Davao si Police BGen. Nicolas Torre III na ang kanyang grupo ay hindi ipinagpaalam ang naging paghuhukay sa JMC o Jose Maria College Basement sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa lungsod kamakailan.
Iginigiit ni Torre na ang paghuhukay ay ginawa matapos na makadetect ng tibok ng puso ang kanilang aparato.
Inamin din ni Torre ang pagpapasok ng mga sibilyang tao na nakasuot ng uniporme ng kapulisan sa KOJC compound at inamin din nito na walang kaukulang permiso o permits ang siniguro ng kapulisan sa operasyon.
Kung maalala, nagsinungaling si Torre na walang nagaganap na paghuhukay sa naturang basement ngunit ng nagkaroon ng pagdinig ang senado na pinamununuan ni Senador Bato dela Rosa, napaamin ito sa ginawang paghuhukay at nagsabing magkakaroon pa sila ng mga paghuhukay kung maari.