“I will definitely run.”

Ito ang sagot ni Former Governor at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu sa mga mamamahayag matapos na matanong ito para sa 2025 elections.

Di naman sinagot ni Mangudadatu ang posisyon na tatakbuhan nito. Aniya, sa takdang panahon nya na ito sasabihin. Nauna nang sinabi ng UBJP o ng United Bangsamoro Justice Party na ilalahad nila ang buo nitong linyada sa Setyembre 28, ang araw ng kumbensyon ng partido. Si Mangudadatu ay miyembro ng UBJP sa lokal na lebel.