Pormal nang nanumpa sina former Maguindanao Governor Toto Mangudadatu, ang asawa nito na former Beauty Queen na si Bai Sharifa Aqeel Mangudadatu at mga kapatid ng dating gobernador na sina Mayor Freddie, Pandag Mayor Toy, Former BM King Jazzer at mga konsehales na sina Bai Princess Grace at Fiedder bilang bagong mga miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP ngayong araw.

Pinangasiwaan ni South Cotabato Gov. Jun Tamayo na pangulo ng partido ang nasabing pagpapanumpa kasabay ang pagtanggap sa intensyon ng pamilya sa pagsanib sa partido ng administrasyon.

Nagpapakita lang daw ito ng lubos na pagtitiwala at pagsuporta sa adhikain ng Pangulo kung kaya’t nanumpa ang mga ito.

Una nang nanumpa si FGov. Mangudadatu at mga kasama nito sa UBJP bilang regional political party nito.