Mahigit 40 Indian Umrah pilgrims ang pinaghihinalaang nasawi matapos bumangga ang kanilang bus sa isang diesel tanker sa Saudi Arabia nitong Lunes ng madaling araw.
Ayon sa Telangana Haj Committee, 42 pilgrims ang inanunsiyo ang nasawi, at marami sa kanila ay nagmula sa Hyderabad, India.
Nag-responde ang pamahalaan ng Telangana sa pamamagitan ng pag-establisa ng control room para makatulong sa mga pamilya ng mga biktima.
Samantala, iniulat na “charred beyond recognition” ang ilan sa mga bangkay kaya kailangang magsagawa ng DNA testing para matukoy ang mga nasawi.
Ang Embassy sa Riyadh at Consulate sa Jeddah ay nagbibigay ng tulong sa mga pamilya, habang nagpahayag ng pakikiramay si External Affairs Minister S. Jaishankar.
Source: The Times of India

















