Pinasinayaan na ang centro sa paglinang o Training Center sa Kulayan Peak, Barangay Romongaob, South Upi, Maguindanao Del Sur.

Pinondohan ni Congressman Mohammad ‘Tong’ Paglas ang proyekto na may halagang 7 milyong piso.

Ang proyekto ay inihiling sa kongresista ni Mayor Reynalbert Insular na itayo sa Kulayan Peak.

Ayon sa opisina ng kongresista, ito na ang ika 22 na training center na naipatayo at kanilang naiturn over sa 24 na mga munisipalidad sa lalawigan.

Ang Kulayan Peak ay may 3,000 feet above sea level ay isa sa mga stratehikong lugar na pinaglagyan ng proyekto dahil sa dinidevelop ito bilang tourist spot.