Hindi magkakaroon ng masamang impresyon sa lungsod ng Cotabato ang naging trending na alleged Gang Rape sa Kalanganan 2 nitong lungsod kahapon.

Ayon kay Cotabato City PNP Chief Joel Estaris, hindi makakaapekto ang naturang gawa-gawa lamang na alegasyon sapagkat magkasamang nagkakatulungan ang Pulisya at mismong City LGU upang magkaroon ng ganap na kapayapaan at katahimikan sa siyudad.

Ayon pa kay Estaris, hindi makakahadlang at makaapekto sa kanila maging sa siyudad ang mga ganitong uri ng gawa gawang kwento.

Sa huli, kumpyansa ang naturang hepe ng pulisya sa lungsod na magtutuloy tuloy ang kapayapaan at katahimikan sa siyudad.