Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hinihinalang riding-in-tandem sa Barangay Lasangan, General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur kahapon, araw ng Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Mohammad Silongan, residente ng Lambayong, Sultan Kudarat.

Batay sa inisyal na ulat, minamaneho ni Silongan ang kanyang tricycle pauwi sana ng Lambayong habang lulan ang kanyang mga panindang produkto, nang bigla siyang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Dead on the spot ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga responsable sa krimen at malaman ang posibleng motibo sa likod ng pamamaril.