Nagtapos sa mapayapa at makahulugang candle-lighting ang idinaos na Trillion Peso March Movement ngayong hapon sa lungsod, na pinangunahan ng Archdiocese of Cotabato bilang panawagan para sa kapayapaan, katarungan, transparency, at mabuting pamamahala.

Dakong 3:00 PM nang magsimula ang martsa mula sa Flyover patungo sa Cotabato City Plaza, kung saan dinaluhan ito ng iba’t ibang sektor ng lipunan mga layko, kabataan, lider ng simbahan, at Tripeople sa lungsod at kalapit lugar.

Nagsuot ng puti ang mga lumahok bilang simbolo ng pagkakaisa, habang bitbit ang kani-kanilang kandila para sa programang nagtapos pasado 5:00 PM. Sa plaza idinaos ang sabayang panalangin at candle-lighting ceremony, na nagsilbing hudyat ng pagkakaisa ng sambayanan sa pagsusulong ng katotohanan at kabutihang panlahat.

Nagpasalamat naman ang organizers sa maayos at payapang pagtitipon at sa patuloy na suporta ng komunidad sa mga adbokasiyang naglalayong itaguyod ang transparency at good governance sa bansa.