Ayon sa pinakahuling ulat, ang sentro ng Tropical Depression Basyang ay nasa humigit-kumulang 895 km silangan ng Northeastern Mindanao.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa sentro at may pagbugso hanggang 70 km/h. Kumikilos ang bagyo sa direksyong west-southwest sa bilis na 20 km/h, at ang malalakas na hangin ay umaabot hanggang 210 km mula sa sentro.
Dahil dito, itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang bahagi ng Mindanao, kabilang ang mga bayan ng Cagwait, Marihatag, San Agustin, Barobo, Tagbina, Hinatuan, Bislig City, Lingig, at Lianga sa Surigao del Sur.

















