Nabuo na bilang Tropical Depression “Verbena” ang low pressure area sa silangan ng Mindanao.

Kaninang alas-4 ng umaga, huli itong namataan humigit-kumulang 330 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 km/h malapit sa sentro at pagbugsong hangin na hanggang 55 km/h. May central pressure na 1002 hPa.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 30 km/h. Ang malalakas na hangin mula sa bagyo ay umaabot hanggang 200 kilometro palabas mula sa sentro.

Samantala, makakaranas ang BARMM Region ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at mga pagkulog at pagkidlat, dulot ng ekstensyon o buntot ni TD Verbena.

Source: Pagasa Cotabato Station