Ayon sa pinakahuling datos, ang sentro ng Tropical Depression WILMA ay nasa 245 km silangan ng Borongan City, Eastern Samar. Nagtataglay ito ng hangin na umaabot sa 45 km/h malapit sa gitna, na may bugso ng hanggang 55 km/h, at kasalukuyang kumikilos pa-kanluran-kanluran (west southwestward) sa bilis na 20 km/h.

Samantala, patuloy ang localized thunderstorms sa ilang bahagi ng Mindanao. Sa BARMM, inaasahang magiging partly cloudy hanggang cloudy ang kalangitan, na may isolated rain showers o thunderstorms dulot ng lokal na pag-ulan. May posibilidad rin ng flash floods o landslides lalo na sa mga lugar na tatamaan ng malakas na ulan.