Sugatan ang truck driver na si Albert Santero matapos maaksidente sa highway ng Malasila, Makilala, Cotabato kagabi.
Ayon sa imbestigasyon, galing Pagadian City at patungong Davao ang truck nang makaramdam ng antok si Santero, dahilan ng pagkakaaksidente.
Agad siyang dinala sa pagamutan para sa paunang lunas.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang insidente.
Payo nila sa mga motorista, huwag ipagpilitan ang pagmamaneho kung inaantok upang maiwasan ang disgrasya.