Dalawang bagyo ang sabay na binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), habang patuloy na nararanasan ang epekto ng habagat sa malaking bahagi ng bansa.

As of 3:00 AM ngayong Hulyo 24, namataan ang Tropical Storm “Dante” (Francisco) sa layong 810 km silangan-hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon, taglay ang lakas ng hangin na 75 km/h at bugso na 90 km/h. Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa 15 km/h.

Mas malapit naman sa kalupaan ang Severe Tropical Storm “Emong” (Co-May), na huling namataan 245 km kanluran ng Bacnotan, La Union. May lakas ito ng 110 km/h at bugso na 135 km/h, at kumikilos pa-timog kanluran sa 25 km/h.

Apektado ng Malalakas na Ulan at Hangin:

Ilocos Region & CAR – Maulang panahon at malalakas na hangin mula kay Emong. Posibleng pagbaha at landslide.

Batanes, Cagayan, Isabela, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija – May ulan at pabugsu-bugsong hangin. Banta rin ng pagbaha o pagguho ng lupa.

Metro Manila, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Occidental Mindoro – Monsoon rains dahil sa habagat. Mag-ingat sa posibleng pagbaha at landslide.

Western Visayas, Aurora, Quezon, MIMAROPA, CamSur, Albay, Sorsogon, Masbate – Paminsan-minsang ulan dahil sa habagat. Banta rin ng flash flood at landslide.

Natitirang bahagi ng Cagayan Valley, Bicol at Visayas – Maulap na kalangitan na may pag-ulan at thunderstorm dulot ni Emong at habagat.

Mindanao – Bahagyang maulap na papawirin na may isolated rain showers. Maging alerto sa posibleng localized flooding.

Reminder, Ka-StarNation:

Ang Tropical Storm ay may kakayahang magdala ng malalakas na ulan at hangin. Pero kapag Severe Tropical Storm, mas malakas ito at mas mapanganib lalo na sa mga baybayin. Manatiling alerto, ugaliing sumubaybay sa official weather updates, at siguraduhing laging handa!