Nagmistulang iihawin na barbeque ang isang tsuper ng jeep matapos itong aksidenteng matusok ng kawayan habang nagmamaneho sa Barangay Lansones sa lungsod ng Zamboanga.

Kinilala ang biktima na si Edgar Ramos na residente sa lugar.

Base sa naging impormasyon ng mga nakasaksi, namamasada umano ang biktima ngunit nawalan ito ng preno dahil na rin sa madulas na daan dahil sa pagulan sanhi upang bumulusok ito sa puno ng kawayan.

Natusok ang leeg ng biktima sa matulis na bahagi ng puno ng kawayan kung kaya’t ito ay agad na nasawi.