Dead on arrival sa pagamutan ang isang drayber ng motorsiklo matapos masangkot ito sa isang aksidente sa isang national highway na sakop ng Barangay Poblacion sa bayan ng Tupi, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Positibong kinilala ng mga kaanak nito ang biktima na si Pejie Magon, 28 anyos at taga barangay Juan Loreto Tamayo ng nasabing barangay.

Matinding sugat sa ulo ang natamo ng biktima ang sanhi ng kamatayan ng nasabing si Magon matapos na mabangga nito ang kasalubong na pick-up truck ng mag-overtake ito sa isa pang sasakyan.

Ayon naman sa kaanak nito, sinundo ng biktkma ang nakababata nitong kapatid galing sa eskwelahan na si Daylene Magon at pauwi na ng maganap ang insidente at kasalukuyang nagpapagaling na ito sa ospital ng Tupi.

Ligtas naman sa insidente ang drayber ng pickup na si Alyas Mohammad na nakatira naman sa Poblacion.

Nagpapatuloy naman sa imbestigasyon ang TUPI PNP sa insidente.