Arestado ng mga tauhan ng Drug Enforcement Team ng Presinto 3 sa isang buy-bust operations dakong alas 6:45 ng gabi kagabi ang lalaking tulak ng iligal na droga sa bahagi ng Purok Pagasa, Gov. Gutierrez Ave. sa Barangay Rosary Heights 7 sa lungsod ng Cotabato
Kinilala ni PS3 Station Commander Capt. Kenneth Encabo ang suspek sa alyas na Michael, 43 at hiwalay sa asawa, isang construction worker at residente sa nasabing barangay
Nakuha naman sa posesyon ng suspek ang apat na small plastic sachet na may lamang shabu na may bigat na 0.3 na gramo na nagkakahalaga naman ng 1,500.00
Samantala, iginiit ng suspek na hindi sya umano tulak kundi user lamang sya na hindi naman kinagat ng mga autoridad
Dahil dito, kulong sa presinto 3 partikular na sa Jail Facility ang suspek at sasampahan ito ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.