Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Purok Mamarinta, Rosary Heights 10, Cotabato City hapon ng March 9, 2026.
Ayon sa ulat ng Police Station 3 ng Cotabato City Police Office, naganap ang operasyon bandang 5:15 ng hapon na pinangunahan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Kenneth Van A. Encabo, Station Commander.
Isinagawa ang anti-illegal drug operation sa koordinasyon ng Police Station 2 at Philippine Drug Enforcement Agency–BARMM (PDEA-BARMM).
Sa naturang operasyon, naaresto ang isang suspek na kinilalang si alyas “Uting,” na itinuturing na street-level individual (SLI), dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa pahayag ng pulisya, bahagi ang operasyon sa patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga sa lungsod upang mapanagot ang mga indibidwal na sangkot sa ganitong uri ng ilegal na gawain.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.

















