Tulak muli papuntang bilangguan ang kinasapitan ng isang drug peddler matapos na kagatin nito ang drug buy-bust operation na inorganisa ng Cotabato City Police Station 3 sa bahagi ng kalye San Francisco, MB Tamontaka sa lungsod ng Cotabato kahapon, alas-4 ng hapon.
Kinilala ng CCPS 3 ang suspek sa ngalang Samir, 42 at residente sa nabanggit na lugar.
Base sa tala ng pulisya, nasangkot na rin si Samir at naaresto noong Oktubre 17, 2023 dahil din sa kaparehas na paglabag.
Samantala, nakapiit nang muli si Samir sa Police Station 3 upang humarap muli sa asunto na may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga.